Saturday, December 5, 2009

Litratong Pinoy: Hudyat (Sign)

Katulad ng karamihan sa mga mommies, hilig kong kunan ng litrato ang aking anak. Maraming beses ko na ring naibahagi sa blog ko na ako ay isang "mamarazzi". Hindi kailangang may espesyal na okasyon para kumuha ng larawan ng aking anak. Minsan ay stolen shots or candid shots, minsan naman talagang tinatawag ko siya para mag-pose sa harap ng camera.

Pero lumalaki na ang anak ko. Kasabihan na nga na nagkakaroon na ng sariling disposisyon ang anak kapag ito ay nagmamature na. Pati ang pagkuha ko ng litrato sa kanya minsan ay mukhang hindi na niya nagugustuhan lalo na at sunud-sunod ito sa loob ng ilang minuto.

Madalas sinasabi n'ya ng derecho sa akin na ayaw na niya magpa-picture. Minsan naman may hudyat na nagsasabi sa akin na tama na at tigilan ko na ang pag-click sa camera.

Kapag tinakpan na ng anak ko ang mukha n'ya, hudyat na ito na tumigil na ako sa kakakuha sa kanya ng litrato.


Ngunit sa aking obserbasyon ang hilig n'yang kuhanan ang sarili n'ya ng picture, solo at kasama ang mga kaibigan n'ya. May term nga dito, luvo. Luvo ay ang sobrang pagkahilig sa pagkuha ng litrato ng sarili. Napapansin n'yo ba, ganyan ang mga kabataan ngayon.

***Bisitahin ang Litratong Pinoy para sa mga larawang nagbibigay Hudyat.

2 comments: