Thursday, December 17, 2009

Litratong Pinoy: Paskong Pinoy

Sinasabing ang Pilipinas ang pinakamatagal o pinakamahabang magdaos ng Kapaskuhan. Kapag pumasok na ang mga buwang nagtatapos sa "ber", nasa isip na ng mga Pinoy ang Pasko. Samu't-sari ang mga pre-holiday sale sa mga malls. Marami na ring naglalabas ng mga paninda magtatapos pa lang ang Oktubre para sa paghahanda ng mga Paskong pang-regalo.

Iyan ang mukha ng Paskong Pinoy - mall sale, parties at paglalagay ng Xmas lights sa tahanan para lalong maging mukhang festive ang paligid. Sinasamantala na rin ang family reunion tuwing Pasko sapagkat karamihan ay nakabakasyon.

Alam mo ring malapit na ang Pasko kapag ang mga poinsettia ang unti-unti ng idini-display sa mga malls at sa mga bilihan ng bulaklak. Isa na rin itong simbolo ng Kapaskuhan sa Pilipinas.


Gustong-gusto ko ang poinsettia. Buhay na buhay ang mga kulay at talagang nakadaragdag sa pagkasigla ng paligid. Sana nga ay hindi lang tuwing Pasko mayroong ganitong uri ng bulaklak.

***An entry for Litratong Pinoy.


No comments:

Post a Comment