Thursday, April 23, 2009

Mataas na Gusali

Ang routine ko pagdating ng opisina ay itaas ang blinds para natural light ang magsilbing liwanag sa aking kwarto. Patay ang ilaw ko hanggang mga alas kwatro ng hapon. Form of relaxation ko rin ang pagtayo at pagtanaw sa labas. Kahit madalas ay traffic pa ang nakikita ko lalo na noong nasa Ortigas pa ako. Mahilig akong mag-obserba.

Hindi ko lang makita sa files ko pero maganda ang nakunan kong litrato ng palubog na araw isang hapon sa aking opisina. Gusto ko rin ang tanawin sa taas ng building kapag umuulan, kahit pa kumikidlat - 'yung humahampas ang malalakas na patak ng ulan sa glass panel ng aking kwarto. For whatever reason, refreshing iyan para sa akin.

Simbolo nga ba ng kapangyarihan at tagumpay ang mataas na building? Nasa loob ka ng opisina mo at minumuni ang bagay-bagay. Success! You are on top of the world! Pero pagbaba mo ng gusali, sisiksik ka rin naman sa traffic. Maiinis. Magmamadali. Nagdaan muli ang isang araw. Bukas babalik ka ulit sa tore. At feeling on top of the world again. Tandaan lamang, the higher you go up, the more responsibilities you have. Higit pa sa 50% ng iyong waking hours ay dyaan ka na titira sa loob ng gusali. Kaya't napakaimportante ang masaya ka sa ginagawa mo at marunong magbalanse, at least try not to fall off.

***Para sa iba pang litrato ng mga gusali, bisitahin ang Litratong Pinoy.

8 comments:

  1. ang ganda ngang pagmasdan ang kapaligiran mula sa mataas na lugar. Mukhang ang taas-taas nga ng opisina mo, buti hindi ka nalulula. Salamat sa pagbisita kalitratista.

    ReplyDelete
  2. Ang ganda Lynn!

    Malamang ang sunset diyan ay napakaganda kung sunset view ang kwarto)

    Wag lang mag-eathquake, ok ako diyan :D

    ReplyDelete
  3. PEACHY, Dati kong opisina iyan. Naka-zoom in ang camera although nasa mataas na palapag din ako. Ang opisina ko ngayon ay horizontal ang pag-expand ng gusali. :)

    JULIE, Haha, wag naman magka-earthquake gaya ng kumakalat sa email.

    ReplyDelete
  4. Huwawwww! Ang ganda ng view. Mag-e-enjoy ako kung ganyan din ang view sa opisina ko kaso lang takot ako sa matataas na lugar e...

    Salamat sa pagbisita sa akin ngayong linggo :)


    SreisaatAdventures

    ReplyDelete
  5. oh my! yan ang view mo sa opisina mo? ang ganda naman....kaimi dito puro building lang!

    happy weekend!

    ReplyDelete
  6. HI Lynn, ang ganda naman ng window office view mo! Inggit ako! I guess the sunset view there is spectacular!

    Salamat sa bisita!

    ReplyDelete
  7. halos pareho tayo nang nakaugalian pagdating ng opisina at mahilig din akong tumitingin-tingin sa labas, ang kaibahan lang mas mataas ang tore mo hehehe! nasa pangalawang palapag lang kasi ako. SAng-ayon ako doon sa sinabi mong, kailangan masaya ka sa ginagawa mo.

    ReplyDelete
  8. Totoo ka! Ang ganda naman ng tinatanaw mo sguro nakakainspire magwork jan! Happy LP!

    ReplyDelete