Thursday, April 10, 2008

Tatsulok

Ngayon ang ikalawang linggo ng Litratong Pinoy (LP) at ito ang unang entry ko. Alam kong masaya ang photo meme na ito dahil mga kapwa Pinoy ang mga kasali. Hindi ako sigurado pero ito yata ang unang photo meme na exclusive lamang sa mga Pinoy o sa mga marunong magsulat sa wikang Pilipino. :)

Ang tema ngayon ay Tatlo ang Sulok or tatsulok. Pauwi ng bahay galing opisina, tinanong ko ang hubby ko kung ano ang pwedeng entry. Suggestion n'ya ay bumili kami ng Toblerone. Palusot pa, gusto lang ng Toblerone eh. :D Toblerone, 'yung imported na tsokolate na korteng tatsulok. At ipinaliwanag ko pa ha. Anyway, nag-agree naman ako. Pero pagbukas ko ng computer ko pag-uwi ng bahay, narealize ko bukas na nga pala ang LP para sa linggong ito. At kailangan ko nang mag-post ngayon dahil ako ay nasa trabaho bukas at hindi maaasikaso ito. Ang bumili at magpicture pa kaya ng Toblerone.

Medyo naghanap pa ako ng tatsulok dito sa bahay. Napatingin ako sa maliit na pumpkin toy ng anak ko. Itong pumpkin na ito ay nakalagay kung hindi sa doorknob (sige nga ano sa Pilipino ang doorknob...ah, pihitan ng pinto...), o sa ibabaw ng shelf ng anak ko sa kanyang kwarto. Parang nagsisilbing gwardiya sa kanyang mga CDs, DSLite, music player at iba pang knick-knacks abubot.

Tamang-tama, makulay ito at tatsulok ang mata at ilong. Magaling, magaling. Nakakatuwa palang titigan ang laruang ito.

Kung nais sumali at bisitahin ang iba pang lumahok sa LP ngayong linggo, tingnan lamang sa site na ito. Bukas ng gabi ako bibisita sa mga iba pang LP participants. :)

20 comments:

  1. hindi pa man nagsisimula ang temang bilog ay may nakahanda na kong tatsulok. ang kaso mo ay hindi kagandahan kaya nung madaan ako ng grocery ay nagpilit din akong maghanap ng tatsulok na tsokolate o kung anuman. pero naisip kong wag toblerone at marami nang gagamit non. lolz, pusta ko walang gagamit ng toblerone kahit isa.

    pero wala akong nakita kaya yung napapanis ko nang tatsulok ang syang tatsulok ko parin ilang minuto mula ngayon.

    ayus sa tatsulok mo, tatsulok monster ;-)

    ReplyDelete
  2. Lynn, tutal ay bukas ka pa titingin ng mga entry, nilink ko na ang sa akin :)

    Malamang kahit nakabili ka ng toblerone eh hindi na yun makukunan ng larawan ay mauubos agad. :)

    ReplyDelete
  3. Mahirap ngang maghanap ng tatsulok... Nung isang linggo pa ko nag-iisip. Buti na lang at may naisip ka din! :)

    ReplyDelete
  4. Toblerone - tagal na akong di nakatikim nun. Naglalaway na ako iniisip ko palang. Bagong salta llang ako sa LP pero mukhang masaya!

    ReplyDelete
  5. Hi! Paborito ko ang toblerone. May nabibili dito yong singles, isang piraso isang subo :) Gusto ko rin ng pumpkin toy :)

    ReplyDelete
  6. ang ganda ng laruan nya..medyo nakakatakot pero cute!

    kung nagkataon pala, pang 5 ka na toblerone ang akda, pero kung ganuon man, ok nya eh, mas madami mas masarap ha ha!

    ReplyDelete
  7. mabuti at may naitabi akong toblerone naubos nga lang nung makuhan ng larawan.

    pwedeng pwede ang tatsulok mo.

    maligayang biyernes!

    ReplyDelete
  8. Napakamalikhain naman ng iyong napiling kunan! Mabuti na lang at nasa tabi-tabi lang si Mr Pumpkin Head, ano?

    Isang magandang Biyernes sa iyo at welcome sa LP!

    ReplyDelete
  9. pwede ito sa tema nung isang linggo at tsaka ngayon. :) maligayang weekend sa iyo. :)

    ReplyDelete
  10. jack o lantern! tatsulok un mga butas sa mukha :) magandang huwebes! :)

    ReplyDelete
  11. Natawa ako dun sa Toblerone... Me rason na sana para makakain si hubby at na-unsyami...taba ba itong mga sinasabi ko? Cencya na po sa tagalog ko.

    Pero ayos din yang entry mo...mata at ilong ng kalabasa (?)...nakaka-aliw.

    ReplyDelete
  12. Hi Lynn, unang una bago ko pa man nasilayan ang iyong tatsulok inagaw na ang pansin ko sa kyut na kyut na larawan ng anak mo ;)

    Litaw na litaw sa nakakatuwang laruan ang tatsulok. Welcome sa LP!
    hanggang sa muli :)

    ReplyDelete
  13. Yup, mommy Lynn. Ito nga ang unang photomeme na exclusive sa mga Pinoy at marunong mag-Tagalog kaya ang sayang sumali. Ang nakakatuwa sa photomeme na ito, natututo kang maging creative, maghanap ng bagay na hindi mo normally napapansin pero ganon pala ang korte. Tulad ng toy pumpkin ng iyong anak :)

    Salamat sa pagdalaw sa tatsulok ko.

    ReplyDelete
  14. napakagaling naman ng tatsulok mo. nagulat ako at natakot! pramis! at pagkatapos ay natawa!

    ReplyDelete
  15. tobleron din naisip ko nung wala akong mahanap, kaso di naman ako nakapunta ng grocery, kaya ginawan ko nalang ng paraan para lang ako makasali ngayong linggo

    ReplyDelete
  16. bakit naman pumpkin ang bantay nya? mange-alam ba? hahaha! siguro nadismaya si hubby kasi di sya nakakain ng toblerone. lolz

    ReplyDelete
  17. buti na lang at may mga laruan ng bata sa bahay. maraming tatsulok doon. cute naman ng entry mo.

    ReplyDelete
  18. napaisip ako... november na ba?!? :D

    happy weekend!!

    ReplyDelete