Ngayon ang ikalawang linggo ng
Litratong Pinoy (LP) at ito ang unang entry ko. Alam kong masaya ang photo meme na ito dahil mga kapwa Pinoy ang mga kasali. Hindi ako sigurado pero ito yata ang unang photo meme na exclusive lamang sa mga Pinoy o sa mga marunong magsulat sa wikang Pilipino. :)
Ang tema ngayon ay Tatlo ang Sulok or tatsulok. Pauwi ng bahay galing opisina, tinanong ko ang hubby ko kung ano ang pwedeng entry. Suggestion n'ya ay bumili kami ng Toblerone. Palusot pa, gusto lang ng Toblerone eh. :D Toblerone, 'yung imported na tsokolate na korteng tatsulok. At ipinaliwanag ko pa ha. Anyway, nag-agree naman ako. Pero pagbukas ko ng computer ko pag-uwi ng bahay, narealize ko bukas na nga pala ang LP para sa linggong ito. At kailangan ko nang mag-post ngayon dahil ako ay nasa trabaho bukas at hindi maaasikaso ito. Ang bumili at magpicture pa kaya ng Toblerone.
Medyo naghanap pa ako ng tatsulok dito sa bahay. Napatingin ako sa maliit na pumpkin toy ng anak ko. Itong pumpkin na ito ay nakalagay kung hindi sa doorknob (sige nga ano sa Pilipino ang doorknob...ah, pihitan ng pinto...), o sa ibabaw ng shelf ng anak ko sa kanyang kwarto. Parang nagsisilbing gwardiya sa kanyang mga CDs, DSLite, music player at iba pang knick-knacks abubot.
Tamang-tama, makulay ito at tatsulok ang mata at ilong. Magaling, magaling. Nakakatuwa palang titigan ang laruang ito.
Kung nais sumali at bisitahin ang iba pang lumahok sa LP ngayong linggo, tingnan lamang sa site na ito. Bukas ng gabi ako bibisita sa mga iba pang LP participants. :)